Planong pag-alis ng mother tongue subject, hindi solusyon sa problema sa K-12 curriculum

Iginiit ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Representative France Castro na sa halip na alisin ay mas dapat higit na palakasin ang language at history subjects sa basic education.

Pahayag ito ni Castro, sa harap ng plano ng Department of Education (DepEd) na alisin ang mother tongue subject mula kindergarten hanggang grade 3 maging ang Philippine history sa high school.

Paliwanag ni Castro, ang nasabing hakbang ay hindi makatutulong para makamit ang mas dekalidad na edukasyon sa bansa.


Katwiran ni Castro, ang pag-abandona sa mother tongue bilang asignatura at hindi pagkilala ng kahalagahan nito sa mas malalim na pagkatuto ng mga mag-aaral ay pagtalikod sa iba’t ibang wika ng bansa at sa ambag ng mga ito sa ating iba’t ibang kultura.

Facebook Comments