Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Chairman Benhur Abalos Jr., na pinag-aaralan na nila na ibalik ang number coding sa mga kalsada ng Metro Manila kasunod ng unti-unting pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila.
Ito ang naging pagayag ni Abalos matapos pangunahan ang pagbubukas ng bagong station ng Pasig River Ferry Service ngayong umaga.
Ayon kay Abalos, maaari itong ipatupad sa mga piling oras lamang.
Ang mga posibleng oras na maaaring ipatupad ang number coding tuwing rush hour lang muna ay mula alas-7:00 AM hanggang alas-9:00 AM at alas-5:00 PM hanggang alas-7:00 PM.
Paliwanag ni Abalos, marami pang mga commuter ang mahihirapan kung tuluyan nang ibabalik ang number coding dahil nasa 70 percent pa lang ang seating capacity ng mga pampublikong sasakyan.
Aniya, mas praktikal ito ngayon dahil marami na ang pumipila sa mga pampublikong sasakyan.