Plebesito sa Marawi City, generally peaceful; Marawi City, may bagong dalawang barangay na!

Mayorya ng mga botante ang pumabor sa pagkakaroon ng bagong dalawang barangay sa Marawi City matapos ang isinagawang plebesito kahapon, March 18.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), kabuuang 948 ang bumotong “yes” habang dalawa ang “no” para sa pagpapatayo ng Barangay Boganga II mula sa Barangay Boganga.

Habang, 473 naman ang bumotong “yes” habang tatlo “no” sa paglikha ng Barangay Datu Dalidigan mula sa Barangay Sagonsongan.


Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na ang voter turnout sa Sagonsongan ay 98.5 percent, habang ang Boganga ay may 95.7%.

Una nang inihayag ng COMELEC at National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) na naging maayos at mapayapa ang plebisito sa Marawi City.

Facebook Comments