Pinangunahan kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Dionardo Carlos ang pagtatatag ng PNP Forensic Group na dating kilala bilang PNP Crime Laboratory.
Ang pagpapalit ng pangalan dating crime laboratory ay alinsunod sa resolusyon ng National Police Commission (NAPOLCOM) No. 2021-1275 na may petsang September 30, 2021.
Layunin ng pagpapalit ng pangalan ay upang parehas ang pangalan ng PNP Forensic Group sa kanilang mga “counterpart” sa mga ibang bansa sa ASEAN na may kahalintulad na tungkulin.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Roderick Augustus Alba, hindi lang pangalan ang bago ng Forensic Group, kundi mga modernong proseso at kagamitan na sisiguro sa epektibong paghahatid ng hustisya.
Ang PNP Forensic group ang pangunahing responsable sa pagsusuri ng ebidensya mula sa crime scene upang madetermina ang mga “facts” ng kaso na ipiprisinta sa korte.