PNP Health Service Director na isa sa tatlong unang police officers na naturukan ng Sinovac vaccine, walang naramdamang side effects

62

Hindi nakaranas nang anumang side effects si PNP Health Service Director Brig. Gen. Luisito Magnaye matapos maturukan ng Sinovac vaccine kaninang umaga sa Camp Crame.

Pero ayon sa Heneral, oobserbahan nya pa ng 24 oras ang kanyang sarili, ngunit hanggang kanina wala naman daw syang nararanasang pagbabago sa kanyang katawan.


Isang karangalan naman daw para kay Magnaye na isa sya sa mga unang Pilipino na nabakunahan na ng Sinovac vaccine na magpoprotekta sa kanya sa COVID-19.

Sinabi pa ni Magnaye na bilang pinuno ng PNP Health Service ay dapat na manguna syang magpaturok ng bakuna para mahikayat ang kanyang mga tauhan.

Ngayong araw, 200 pulis ang tinurukan ng Sinovac vaccine sa Camp Crame matapos na maglaan ang pamahalan ng 800 doses ng bakuna para sa PNP.

Facebook Comments