PNP, iginiit na nakiki-pagtulungan sa DOJ sa pag-iimbestiga sa kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng kanilang tauhan kaugnay sa war on drugs

Pareho lang ang layunin ng ginagawang imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) sa mga umano’y paglabag sa karapatang pantao sa war on drugs sa ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DOJ).

Pahayag ito ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar, matapos ilabas ng CHR ang kanilang “analysis” sa 500 insidente ng pagkamatay at umano’y karahasan sa kampanya kontra droga ng gobyerno.

Batay sa ulat ng CHR, 11 lang ang nabuhay sa 466 indibidwal na umano’y nanlaban sa mga operasyon ng mga pulis.


Paglilinaw ni PNP chief iginagalang niya ang imbestigasyon ng CHR dahil bahagi ito ng kanilang constitutional mandate.

Pero binigyang diin ni Eleazar na maging ang PNP ay determinadong malaman ang katotohanan sa mga alegasyon ng umano’y pang-aabuso ng mga pulis.

Para kay PNP chief hindi patas para sa mga tauhan nilang namatay sa kampanya kontra droga kung ang buong PNP ay madadamay sa mga alegasyong pang-aabuso na maaring nagawa ng ilan nilang mga tauhan.

Facebook Comments