PNP, pansamantalang shinut-down ang system matapos may magtangkang mag-hack ng kanilang Logistics Data and Management System

Pansamantalang shinut-down ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang system matapos may magtangkang mag-breach o mag-hack ng kanilang logistics data information and management system nitong umaga lamang.

Ibinahagi ni PNP PIO Chief at Spokesperson Col. Jean Fajardo na agad inaksyunan ng Anti-Cybercrime Response Team ang insidente sa pamamagitan ng pag-shut down sa sistema upang maagapan ang posibleng damage na maidudulot nito.

Dagdag ni Col. Fajardo, wala pa silang nakikitang naapektuhan sa tangkang pag-breach at patuloy pa rin ang ginagawang pagsusuri.


Ibinahagi rin niya na kasalukuyang nagsasagawa ang PNP Anti-Cybercrime Group ng hiwalay na assessment upang masiguro na hindi naapektuhan ang logistical at data information ng PNP.

Facebook Comments