Ininspeksyon ni Philippine National Police (PNP) Director for Operations Major Gen. Valeriano de Leon ang bisinidad ng Batasang Pambansa bilang paghahanda at latag ng seguridad para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong “Bongbong” Marcos (PBBM) sa Lunes, Hulyo 25.
Kabilang sa mga pinuntahan ni Gen. De Leon ay ang Commonwealth Avenue, Batasan Road at Quezon City Police District (QCPD) Station 6 na syang nakakasakop sa House of Representatives.
Ininspeksyon din nito maging ang mga checkpoint areas at ang deployment ng mga pulis sa Quezon City.
Sinabi pa ng opisyal na activated na rin simula ngayong araw ang Task Force Manila Shield.
Nangangahulugan lamang ito ng mas mahigpit na seguridad at mas naraming checkpoint sa borders ng Metro Manila, partikular sa may Batasan Complex kung saan idaraos ang SONA ni PBBM.
Una nang sinabi ng opisyal na nasa higit 20,000 police personnel ang naka- deploy para matiyak ang kapayapaan at seguridad ni Pangulong Marcos sa Lunes.