Police visibility sa mga pampublikong lugar, mas palalakasin ng PNP dahil na rin sa pagtaas ng kaso ng COVID-19

Asahan na ng publiko ang mas pinaigting na presensya ng mga pulis sa mga pampublikong lugar sa mga susunod na araw.

Ito ang pahayag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) makaraang sabihin ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na kailangan na muli ang mga pulis sa kalsada para ipatupad ang health protocol.

Ito ay dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.


Ayon kay PNP Spokesperson Police BGen. Ildebrandi Usana, nakahanda ang buong pwersa ng PNP para manita ng mga quarantine violator.

Makikipag-ugnayan din sila sa mga Local Government Unit (LGU) para sa pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa upang mas mapigilan ang kilos ng mga tao ngayong mataas pa rin ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments