Mahalagang pag-aralan muli ng pamahalaan ang mga polisiya nito at ayusin batay sa kasalukuyang konteksto.
Ito ay upang makabangon ang mga negosyo mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, iginiit ni Vice President Leni Robredo na maraming polisiya sa bansa ang naka-ayon sa “pre-pandemic.”
Aniya, hindi lahat ay “one-size-fits-all” at may mga polisiyang kailangang baguhin at i-ayon sa kasalukuyang sitwasyon.
Binanggit ni Robredo ang pagpapatupad ng Bureau of Internal Revenue ng mataas na buwis sa pribadong paaralan mula 10% patungong 25%, lalo na ang mga pribadong paaralan ang matinding tinamaan ng pandemya.
Ang mga restaurants at rental spaces na malapit sa mga paaralan ay matinding naapektuhan ng pandemya.
Ang Office of the Vice President (OVP) ay naglunsad ng ilang programa para makatulong sa mga kababayang naapektuhan ng pandemya tulad ng Bayanihanapbuhay, isang entrepreneurship program para sa mga kabataan, at ang Sikap.PH at Iskaparate.com, kung saan maaaring i-promote ng mga maliit na negosyo ang kanilang produkto online.