Positivity rate sa NCR, umakyat pa sa 6%

Mula sa 5.9% na positivity rate sa Metro Manila umakyat pa ito sa 6%.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group na hindi naman ito nalalayo sa kanilang projections.

Aniya, posibleng umakyat sa 500 ang arawang kaso ng COVID-19 sa National Capital Reguion (NCR) sa mga susunod na araw dahil sa bumibilis na hawaan.


Pero hindi naman aniya ito nakakabahala dahil mas mababa ang nabanggit na numero kumpara sa mga nakalipas na COVID-19 surge.

Ang mahalaga ani David ay patuloy pa rin ang pagsunod sa health protocols ng ating mga kababayan at magpaturok ng booster shot.

Nabatid na ang 6% na positivity rate ay lagpas na sa itinatakdang 5% na positivity rate ng World Health Organization (WHO).

Samantala, maliban sa NCR nagkakaroon din ng pagtaas ng kaso sa CALABARZON areas partikular sa Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Pampanga, Iloilo at Capiz sa Western Visayas at South Cotabato.

Ani David, sentro ng kanilang monitoring ang naturang mga lugar.

Facebook Comments