Poste ng kuryente sa Sta. Cruz, Maynila, tumagilid makaraang mahagip ng truck; kabahaan ng Ronquillo Street, pansamantalang isinara

Pansamantalang isinarado sa mga motorista ang kahabaan ng Ronquillo Street sa Sta. Cruz, Maynila.

Kasunod na rin ito ng tumagilid na poste ng kuryente matapos na mahila ng isang dumaang truck ang ilang kable ng kuryente sa lugar.

Ilang kable rin ng kuryente ang nakalaylay na mapanganib sa mga motorista at publiko.


Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at City Hall upang tumulong sa pag-aayos.

Tumulong na rin ang dalawang telecommunication companies at tiniyak na agad na maibabalik sa normal ang operasyon.

Facebook Comments