PPA, patuloy na naka-heightened alert sa mga pantalan ngayong long weekend

Patuloy ang dagsa ng mga pasaherong susulitin ang long weekend at uuwi o magbabakasyon sa mga probinsya.

Sa ulat ng Philippine Ports Authority (PPA), libo-libong mga pasahero ang naitala lalo na sa tinaguriang Top 5 ports sa bansa.

Hanggang kanina, pinakamarami ang mga pasahero mula sa Bohol na may mahigit tatlong libo, at sinundan ng Batangas, Marquez, Mindoto at Western Leyte/Biliran na mahigit dalawang libong pasahero ang naitala.


Normal naman ang lahat ng operasyon sa mga pantalan at wala ring naitatalang untoward incident pero naka-heightened alert status ang kanilang buong pwersa.

Muli namang nagpaalala ang PPA sa mga pasahero na magtungo sa pantalan tatlong oras bago ang nakatakdang biyahe at direktang makipag-ugnayan sa shipping lines para sa iba pang karagdagang impormasyon.

Facebook Comments