Nakatakdang lumagda ng isang kasunduan ang Philippine Red Cross (PRC) at Angkas, ang kauna-unahang pinakamalaking Professional Motorcycle Taxi Service sa bansa upang aagapay sa lahat ng programa ng PRC gaya nalang ng paghahatid at nangangailangan ng dugo, first aid kaugnay sa paglaban sa COVID-19.
Ayon kay PRC Chairman and CEO Senator Richard Gordon, ang pakikipag-partner nila sa Angkas ay lalong mapapalakas at mapapadali ang kanilang pagbibigay serbisyo sa mamamayang Pilipino dahil madaling makararating ang kanilang mga blood donastion sa mga nangangailangan ng tulong sa pamamagitan ng Angkas.
Ang kanilang pakikipag-partner ay kabilang ang PRC membership program enrollment sa lahat ng mga Angkas riders, empleyado, maging ang kanilang pamilya kung saan ang Angkas riders ay magiging boluntaryo sa ilalim ng Philippine Red Cross 143 Program.
Ang Angkas riders ay makatatanggap ng first aid at CPR trainings na makatutugon sakaling mayroong nangangailangan ng kanilang tulong sa lansangan gaya ng aksidente at agad bibigyan ng tulong at kahit sa mga nangyayaring kalamidad.
Sasanayin din ng PRC ang mga Angkas rider na gawing home service ang saliva testing bilang COVID-19 testing para sa mga hindi nakakaalis ng kani-kanilang mga bahay.