Palalakasin pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang presensya sa West Philippine Sea (WPS).
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni AFP Western Command Commander Vice Admiral Alberto Carlos, ginawa nila ang pagpapaigting ng presenya ng mga sundalo sa WPS para maprotektahan ng sovereign rights ng bansa.
Sa kasalukuyan ayon kay Vice Admiral Carlos, inutos niya sa mga sundalong nakatalaga sa WPS na hangga’t kaya at hindi masama ang panahon ay gamitin ang kanilang mga barko para magpatrolya sa West Philippine Sea.
Ang mga sundalong ito ay ang nanatili sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Bukod naman sa pagprotekta ng sovereign rights, ginagawa rin ang pagpapaigting ng presenya sa WPS para sa maritime domain awareness.
Sa pagsasagawa ng maritime domain awareness sinabi ni Carlos na ginagamit nila ang kanilang barko, katuwang ang mga barko ng Philippine Coast guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR para magkakaroon ng timely at accurate na monitoring sa sitwasyon sa WPS.
Sa katunayan aniya, batay sa kanilang monitoring noong December 2022, mayroong ilang Vietnamese national ang nahuling nagsasagawa ng iligal na pangingisda sa Pag-asa Island.
Nakuha aniya ang fishing paraphernalia ng mga ito pero nakatakas ang mga mangingisdang Vietnamese.