President Rodrigo Duterte, pangungunahan ang National Vaccination Day sa Lunes

141

Dadalo si President Rodrigo Duterte sa unang araw ng 3-day National Vaccination Day

 

Sa event sa Rizal inaasahan ang presensya ng Pangulo.

 

Ayon sa Palasyo, hihikayatin ni President Rodrigo Duterte ang publiko lalo na yung mga hindi pa nababakunahan na magpapabakuna na dahil libre naman itong ipinagkakaloob ng pamahalaan.


 

Target mabakunahan sa 3 araw na “Bayanihan, Bakunahan National COVID-19 Vaccination Days” ng Pilipinas ang 9M mga Pilipino.

 

Una nang inilabas ng Malakanyang ang Proclamation No. 1253 kung saan inaatasan ng Pangulo ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan at mga LGUs na magpaabot ng kakailanganing tulong sa malawakang bakunahang ito.

 

Bagamat deklaradong Special working days hindi naman mamarkahang absent ang mga empleyadong liliban sa trabaho para magpabakuna simula Nov29-Dec1



Facebook Comments