
Umaasa si Marikina Rep. Miro Quimbo na siyang presiding officer ng Legislative Energy Action and Development (LEAD) Committee na agad maibaba ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG).
Kasunod ito ng anunsyo ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa pagtanggal ng excise tax ng LPG at kerosene.
Ani dating PGMA Marketers Association Party-list Rep. Arnel Ty na handa ang mga retailer ng LPG na agad magbaba ng presyo sa oras na lagdaan ni PBBM ang Executive Order hinggil sa pagtanggal ng excise tax sa cooking gas.
Ang tinutukoy ni Ty ay ang ₱3 na excise tax sa bawat kilogram ng LPG o ₱33 sa kada 11-kilo cylinder.
Facebook Comments










