Presyo ng petrolyo, posibleng pumalo sa higit P80 kada litro

Posibleng pumalo sa lagpas P80 kada litro ang presyo ng produktong petrolyo kung patuloy na tataas ang presyo nito sa world market.

Ayon kay Energy Usec. Gerardo Erguiza Jr., kapag umabot ang global price ng produktong petrolyo sa 140 dollars per barrel ay maaaring lumobo sa P86.72 ang kada litro ng gasolina; habang P81.10 naman ang kada litro ng diesel; P80.50 ang kada litro ng kerosene; at P119.53 ang kada kilo ng LPG.

Sa kasalukuyan ay nasa 120.34 dollars per barrel ang produktong petrolyo kung saan ang average price ng gasolina ay na P72.88 kada litro; P64.50 ang diesel; P66.31 ang kerosene; at P96.67 ang kada kilo ng LPG.


Matatandaang nagsimulang tumaas ang presyo ng petrolyo noong Nobyembre 2021 dahil sa pagbuti ng kondisyon ng maraming bansa mula sa pandemya kung kaya’t tumaas ang demand sa langis.

Samantala, nilinaw naman ni Erguiza na bagama’t patuloy na tumataas ang presyo ay may sapat na suplay ng petrolyo ang bansa.

Facebook Comments