Programang Nutrisyon mo, Sagot ko, ibinahagi ang mga maling gawi sa nutrisyon at kung paano ito itatama

Ibinahagi sa episode 21 ng programang Nutrisyon mo, Sagot ko ng National Nutrition Council ang tips para matiyak na angkop ang nutrition habits ng ating mga kababayan.

Sa pamamagitan ng expert na si Josefina Gonzales, Senior Science Research Specialist at Unit Head ng Food and Nutrition Training Unit ng Department of Science and Technology – Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), ibinahagi nito ang mga maling gawi sa nutrisyon at kung paano ito itatama.

Ayon kay Gonzales, maraming maling nutrition habits o maling gawin sa pagkain lalo na sa mga buntis at bata kaya hindi nila nakukuha ang tama at sapat na nutrisyon na kanilang kailangan.


Ilan sa mga ito ay ang hindi raw dapat pagkain ng mga gulay tulad ng talong, ampalaya at kalabasa kapag ikaw ay buntis na wala naman aniyang basehan.

Sinabi ni Gonzales na ang mga nasabing gulay ay masustansyang pagkain lalo na sa mga buntis.

Payo nito, wag basta – basta maniwala sa mga sabi-sabi kung saan ilan dito ay ang mga sinasabing Fad diet na sikat o trending sa social media.

Giit nito, hindi sapat ang nutrisyon na nakukuha ng ating katawan sa mga ito.

Binigyang-diin ni Gonzales sa publiko na maging mapanuri, magresearch, importanteng alamin o maliwala sa mga eksperto at kumunsukta sa mga doctor.

 

 

 

 

 

Mahalaga ang mga credible na programa
Maghbibigay ng tamang impormasyon

Tips para matiyak na angkop ang mga nutrisyon habits

Facebook Comments