Proposed ₱6.352 trillion 2025 national budget, isinumite na ng DBM sa Kamara

Sa pangunguna ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ay isinumite na ngayon sa House of Representatives ang ₱6.352 trillion na National Expenditure Program o panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.

Ito ay 10 porsyentong mas mataas kumpara sa P5.768 trilyon budget ngayong taon.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, asahang ibubuhos ang pondo para makalikha ng mas maraming trabaho, masiguro ang de-kalidad na edukasyon para sa mga estudyante, mapalawak ang suporta sa Universal Health Care at higit na mapaunlad ang bansa.


Nangako rin si Romualdez na patuloy nilang babantayan sa Kongreso ang paggastos sa pondong mula sa mamamayan.

Facebook Comments