
Pinasisilip na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang proseso ng pag-iisyu ng lisensya sa mga piloto.
Ito ay matapos na mahuli ang suspek sa pamemeke ng pilot at aircraft maintenance licenses.
Ayon kay CAAP Director General retired Lt. Gen. Raul del Rosario, layon nito na matiyak ang kaligtasan at segurirad ng mga pasahero at aircraft workers.
Iginiit ni Del Rosario na walang shortcuts sa pagiging lisensyadong piloto.
Aniya, ang lahat na mga nais maging piloto ay dapat dumaan sa mahigpit na proseso sa ilalim ng Philippine Civil Aviation Regulations (PCAR) at ng international aviation safety standards.
Ang kaso ng naarestong suspek sa pamemeke ng lisensya ng piloto ay hawak na ng NBI.
Facebook Comments









