PSA, pinaalalahanan ang publiko sa pekeng national ID registration sites

136

Nagbabala sa publiko ang Philippine Statistics Authority (PSA) laban sa mga kumakalat na pekeng registration sites ng Philippine Identification System (PhilSys) sa Facebook.

Giit ng PSA, maaaring gamitin ng fake websites at third party providers ang impormasyon ng isang indibidwal.


Inilabas naman ng PSA ang listahan ng pekeng sites at inanyayahan ang publiko na pumunta lamang sa kanilang official website na philsys.gov.ph at sa Facebook page na PSAPhilSysOfficial.

Ayon pa sa PSA, libre ang pagpaparehistro sa PhilSys at sinumang manghihingi ng bayad ay paparusahan dahil sa paglabag sa Republic Act 11055.

Facebook Comments