Arestado ang isang pulis na nakatalaga sa Eastern Police District at talong kasabwat nito nang maaktuhan na ninanakaw ang mga kable ng PLDT sa manhole ng Barangay Krus na Ligas, Quezon City.
Kinilala ang pulis na si Pat. Francis Arcenas Baquiran, 27, nakatalaga sa EPD at naninirahan sa F-8 Abbey Road, Bagbag Novaliches, QC.
Habang ang mga kasama niya ay kinilalang sina Ivan Fritz Sacdalan Valtiedaz, 26, binata, BS Criminology student, at residente ng No. 435 Quirino Highway Brgy. Talipapa, Novaliches, QC; Richard Carbajal Repal, 32, construction worker, ng No. 32 Upper Banlat, Brgy. Tandang Sora, QC; Nedrick Santos Suing, 25, Sales Assistant Uratex, ng No. 2 Australia St. Upper Banlat, Tandang Sora, QC at
Sa report ng Quezon City Police District (QPD) Anonas Police Station 9, madaling araw ng Agosto 30 nang maaktuhan ang pagnanakaw ng mga suspek sa C.P Garcia malapit sa Baluyot Basketball Court, sa Brgy. Krus Na Ligas, sa lungsod.
Ang operasyon ay bunsod ng reklamo ng PLDT Corp. kaugnay sa mga nagaganap na pagnanakaw ng kanilang mga kable.
Nasamsam mula sa mga suspek ang ninakaw na 100 PLDT cable at baril at bala na pag-aari ng naarestong pulis.
Ang ninakaw na mga kable ay isinakay sa kulay puti na Foton van na may plakag NCX 3882 na nakarehistro sa pangalang Grace Obrero Martinez ng Santa Rosa, Laguna.
Inihahanda na ang mga kaso laban sa mga suspek.