QCPD chief, suportado ang DND sa paglusaw sa UP-DND accord

171

Suportado ng Quezon City Police District (QCPD) ang pasiya ng Department of National Defense (DND) na lusawin ang kasunduan sa University of the Philippines (UP) kaugnay sa pagpasok ng militar sa mga kampus.

Sa exclusive interview ng DZXL, sinabi ni PBGen Danilo Macerin na nakahanda silang sumunod sa sandaling magbaba na rin ng gabay ang PNP sa agawing aksyon sa desisyon ng DND.


Tiniyak naman ni Macerin na nakabatay sa kanilang operation protocols ang kanilang magiging aksyon.

Hindi aniya dapat matakot ang mga estudyante dahil hindi naman lalabagin ang kanilang academic freedom.

Ani Macerin, kung walang ginagawang paglabag ang mga estudyante ay wala silang dapat ikabahala sa presensya ng otoridad.

Facebook Comments