QCPD, nag-deploy ng isang libong pulis bilang dagdag na pwersa sa pagbabantay sa Traslacion ng Itim na Nazareno

Nag-deploy ang Quezon City Police District (QCPD) ng abot sa 1,500 ang tauhan sa Traslacion ng Itim na Nazareno sa Maynila.

Pinangunahan ni QCPD Director PBGen. Redrico Maranan ang send-off ceremony para sa Nazareno 2024 sa Quirino Grandstand sa Maynila.

Kasama ang QCPD personnel ng mga pulis Maynila at iba pang augmentation mula sa mga police district para magbigay seguridad sa panahon ng Traslacion.


Tiniyak naman ng QCPD na hindi maapektuhan ang deployment ng mga tauhan nito sa regular na aktibidad na ginagawa sa lungsod Quezon.

Facebook Comments