Quezon City LGU, sinuspinde na ang klase sa mga pribado at pampublikong paaralan para sa SONA

Sinuspinde ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga klase sa lahat ng lebel sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lungsod.

Ito’y para sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pinirmahan na ni Mayor Joy ang Executive Order 18 na nagdedeklara sa suspensyon ng mga klase sa nakatakdang SONA ni Pangulong Marcos na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.


Kaugnay nito, humingi ng pang-unawa ang Quezon City local government (LGU) sa mga motorista, pasahero at mga residente na maapektuhan ng mga road closures bilang security measures kung saan maaari namang maghanap ng alternatibong ruta ang ibang motorista.

Nauna nang pinayagan ng local government unit ang mga militanteng grupo na magsagawa ng kilos-protesta sa Commonwealth Avenue habang sa IBP road naman ang mga taga-suporta ni Pangulong Marcos.

Samantala, inilagay na ang Batasang Pambansa Complex sa lockdown bilang bahagi na rin ng ipinapatupad na security measures para sa SONA.

Facebook Comments