1RCC MALICO BASE, NAGSANAY PARA SA MAS PINALAKAS NAEMERGENCY RESPONSE SA SAN NICOLAS

Sumailalim sa pagsasanay ang One Response Command Center (1RCC) ng Urduja Summit, Malico Base sa San Nicolas, Pangasinan para patibayin ang kakayahan ng mga emergency responder sa lugar.

Kabilang sa mga itinuro sa pagsasanay ang pagpapalakas ng kasanayan sa first aid, basic life support, at ambulance operations, partikular sa wastong paggamit ng triangular at elastic bandage.

Kaugnay nito, ang 1RCC sa Malico ay bahagi ng pinalawak na Pangasinan Safety and Emergency Response (PASER C3) Center na itinatag upang mapabilis ang pagresponde sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).

Facebook Comments