Rep. Barzaga, mahaharap sa mas mabigat na parusa kung hindi aalisin ang kanyang social media posts na nakapaloob sa ethics complaint

Posibleng maharap si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga sa parusa na mas mabigat sa 60-suspensyon na ipinataw sa kanya ng Kamara.

Ayon kay House Committee on Ethics and Privileges at 4Ps Party-list Rep. JC Abalos, ito ay sa oras na hindi burahin ni Barzaga ang mga social media post na nakapaloob sa kinakaharap nitong ethics complaint.

Ang pagbura sa mga iresponsablengg social media posts ay dapat gawin ni Barzaga sa loob ng 24 oras simula kahapon nang ibaba ng Kamara ang parusa sa kanya.

Diin ni Abalos, kaakibat ng suspensyon kay Barzaga ang utos ng Kamara na burahin nito ang mga malalaswa at mapanirang posts na nakasira sa dignidad, integridad at reputasyon ng iba’t ibang opsiyal at mga insitusyon ng gobyerno.

Facebook Comments