
Mariing itinanggi ni House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V ang sinabi ni Navotas Rep. Toby Tiangco na may basbas ni dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang ika-apat na impeachment complaint laban kay Vice Pres. Sara Duterte.
Ito ang binigyang-diin ni Ortega, na isa sa endorser ng ika-apat na reklamo laban kay VP Duterte na inihain ni Atty. Nathaniel Cabrera at inendorso din ni ni Manila Rep. Benny Abante.
Katwiran ni Ortega, matagal nang hindi Speaker si Romualdez na nakatutok ngayon sa kanyang distrito, iba pang trabaho at mga importanteng panukalang batas.
Ayon kay Ortega, ang kanyang hakbang ay sarili niyang desisyon lalo’t bilang miyembro ng House Quad Committee at Committee on Good Government and Public Accountability ay nakita nya na may basehan talaga na ma-impeach si VP Sara.










