Hinatulang makulong ng mula anim na buwan hanggang limang taon ang reporter ng Rappler na si Frank Cimatu dahil sa kasong cyber libel.
Sa desisyong inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 93, napatunayang guilty si Cimatu.
Ang kaso ay may kinalaman sa umano’y mapanirang Facebook post ni Cimatu laban kay dating Agriculture Sec. Manny Piñol noong 2017.
Sa reklamo ni Piñol noong September, 2017, nasira umano ang kanyang reputasyon sa post ni Cimatu na nagsasaad na “Agri Sec. got rich by 21m in 6 months. bird flu pa more”
Dahil dito ay pinagbabayad din si Cimatu ng ₱300,000 bilang moral damages na idinulot ng malisyoso nitong post sa social media laban kay dating Sec. Piñol.
Si Cimatu ay ang pangatlo na sa journalist ng Rappler na nahatulang guilty sa kasong cyber libel.
Kabilang na dito si Rappler CEO Maria Ressa at dating researcher-writer na Reynaldo Santos Jr.