Retired explosives detection dogs ng PNP-SAF, pinaaampon na

Naghahanap ang Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ng mga furmommies o furdaddies na handang ampunin ang ilan nilang mga aso.

Iniretiro na kasi nila ang kanilang tatlong explosives detection dogs.

Sa abiso ng PNP SAF, naghahanap sila ng mag a-adopt sa kanilang dalawang labrador retriever na sina Casper at Snow, edad 12 at 13 at German Shepherd na si Nik, 10 taong gulang.


Nabatid ang mga aso ay bihasa sa paghahanap ng mga bomba ay mula sa 153 Special Action Company/Explosive Ordnance K-9 unit.

Kailangan na ng bagong tahanan at mga magulang ng naturang mga aso para ma-enjoy ang kanilang mga nalalabing taon sa buhay.

Para sa mga interesadong mag-adopt ng aso, magtungo lamang sa SAF headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig o makipag-ugnayan sa numerong 0943-135-4015.

Facebook Comments