Ngayong araw ay ipinagdiriwang ang National Volunteer Day.
Ang RMN Foundation Inc. ay miyembro ng Philippine Coalition on Volunteerism Inc. (PHILCOV).
Ang PHILCOV ay isang coalition na kinabibilangan ng 30 miyembro mula sa iba’t ibang pribadong sektor tulad ng media, non-profit organization, at volunteer service na ang layunin ay kusang-loob na pagtulong at pagbuo ng iba’t ibang advocacies para sa komunidad.
Sa Silangan Elementary School sa Taguig City ipinagdiwang ng grupong PHILCOV ang National Volunteers’ Day sa pamamagitan ng handog-tulong para sa mga mag-aaral at sa buong eskwelahan.
200 school supplies at dental kit ang natanggap ng mga estudyante ng Silangan Elementary School sa Taguig City kahapon na handog RMN Foundation and RMN Networks tugon sa temang pasko ng pag-asa at serbisyo, “Makakarating Ngayong Pasko.”
Bukod sa RMN Foundation, naging katuwang din ang mga volunteer mula sa iba pang pribadong kumpanyang nakilahok para ipagdiwang ang National Volunteers’ Day.
Ang RMN Foundation ay maglulunsad ng Tree Planting Project 2024 sa Norzagaray, Bulacan sa darating na Biyernes, December 6, kasama ang ilang mga volunteers employee mula sa RMN, 93.9 iFM, DWWW 744, at DZXL 558.