RMN Foundation, nagbigay ng libreng edukasyon at tablet sa pitong scholars ng Henry Canoy Scholarship sa ilalim ng Radyo Edukasyon Program

Aabot sa pitong scholars ng Henry Canoy Scholarship sa ilalim ng Radyo Edukasyon Program ng RMN Foundation ang nabigyan ng libreng edukasyon at tablet.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng Radio Mindanao Networks (RMN) at ika-10 anibersaryo ng RMN Foundation.

Katuwang ng RMN Foundation sa naturang proyekto ang Dual Tech Training Center Foundation.


Ayon kay RMN Foundation Corporate Social Responsibility (CSR) Officer Patrick Aurelio, noong March, 2022 nagsimula ang partnership nila sa Dual Tech, kung saan layon na makatulong sa mga kabataan na matupad ang kanilang mga pangarap tulad na makapagtapos sa pag-aaral.

Ayon naman kay Dual Tech Community and Compliance Relations Manager Rodolfo Sta.Ana III, layon nila na makapagbigay ng libreng 2-year Electric Mechanic Technology Course sa mga kabataan, kung saan pagkatapos nilang mag-aral ay mayroon nang nakahandang trabaho para sa kanila.

Sa tulong aniya ng mga masisipag na coordinators ay naihahatid sa mga kabataan ang mga programa ng Dual Tech.

Kasunod nito, sinabi ni Rose Papas, isang Community Relations Volunteer mula sa Bataan ay masarap sa pakiramdam ang kaniyang libreng pagtatrabaho sa Dual Tech dahil naging instrumento siya sa mga kabataan na matupad ang kanilang mga pangarap.

Isa na ngang patunay si Sergio “Gio” Base, 21 taong gulang na taga-Polangui, Albay, ang ika-pitong scholar ng RMN Foundation.

Ayon kay Gio, sobrang saya niya dahil naging scholar siya at matutupad na ang mga pangarap niya sa kaniyang pamilya.

Para sa ibang programa ng RMN Foundation, bisitahin lang ang official Facebook page nito o pumunta sa www.foundation.rmn.ph.

Facebook Comments