Sinalakay na ng Russia ang Ukraine.
Kasunod ito ng anunsyo ni Russian President Vladimir Putin na full scale invasion sa Ukraine.
Ayon kay Putin, wala silang ibang pagpipilian kundi ang lusubin ang Ukraine para matiyak ang seguridad ng kanilang bansa.
Batay sa ulat ng Agence France-Presse (AFP), kabi-kabila ang mga pagsabog sa Silangang bahagi ng Ukrainian City ng Donetsk habang tinamaan ng Russian air strikes ang air base at air defense ng Ukraine sa Kyiv.
Napasok na rin ng ground forces ang North, South at East ng Ukraine.
Samantala, inihayag naman ng Ukraine na napabagsak nila ang limang eroplano at isang helicopter ng Russia.
Hindi bababa sa 40-sundalo ang sugatan habang sampung sibilyan ang patay sa pag-atake.
Sa ngayon ay ipinatutupad na ang Martial Law sa Ukraine at isinara na ang kanilang airspace para sa civilian flights.
Tuluyan na ring pinutol ni Ukranian Leader Volodymyr Zelensky ang diplomatic relations ng Kyiv sa Moscow bilang sagot sa pananakop ng Russia.