43 indibidwal inilagay sa ILBO ng DOJ

Inilabas na ng Department of Justice ang Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO sa 43 na indibidwal na binubuo ng mga Department of Public Works and Highways (DPWH) engineers at contractors.

Sa gitna ito ng isinasagawang imbestigasyon sa mga anomalya sa flood control projects ng pamahalaan.

Kasama sa listahan ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya at ibang contractor na una nang inimbitahan sa mga pagdinig ng Senado at Kamara.

Naglabas ng ILBO ang Justice Department alinsunod na rin sa hiling ng DPWH at Senate Blue Ribbon Committee.

Babantayan ang pagbiyahe ng mga nasa lookout bulletin pero iba ito sa hold departure order na iniisyu naman ng korte para pagbawalan lumabas ng bansa ang isang indibidwal.

Facebook Comments