Dumarami ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa buong hilagang Luzon.
Ito ay kahit patuloy na bumababa ang kaso ng virus sa Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan.
Batay sa datos ng OCTA Research Team, kabilang sa mga lugar na nakikitaan ng pagtaas ng kaso ay ang Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region partikular sa La Union, Cagayan Valley, Nueva Vizcaya at Quirino.
Pero sa kabila nito, nakikita ng OCTA na malaking bagay ang pagbaba ng kaso sa Metro Manila kung saan nasa 2,000 kada araw ang average daily cases mula sa 6,000 nitong Setyembre.
Sa ngayon, sinabi ng Department of Tourism na nagbukas na ang ilang pasyalan sa bansa tulad ng; Boracay, Siargao at El Nido sa Palawan.
Facebook Comments