Kasabay ng pag-usbong ng teknolohiya, patuloy na gumagawa ng programa ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) para mapabilis, mapadali at ligtas ang mga pasahero.
Sa kauna-unahang pagkakataon, magagamit na ng mga pasahero ang kanilang beep card, hindi lamang sa serbisyo ng tren kundi pati pambili ng pagkain.
Ayon kay John Philip delo Santos ng LRMC, malaki ang maitutulong ng paggamit ng beep card upang mapigilan ang pagkalat ng nakamamatay na virus na COVID-19 at iba pang sakit.
Imbis kasi na pera na pinagpasapasahan ang gamitin sa pambili ng pagkain at pagsakay sa Light Rail Transit o LRT, mas mainam na beep card nalang ang gamitin para malimitihan ang contact transaction.
Sa ngayon, dahil sa ganitong magandang sistema, umabot na sa 36 na tindahan sa mga LRT ang gumagamit ng beep card bilang pambayad.
Ayon kay LRMC Corporate Communication and Customer Relation Head Jacquiline Gorospe, bukod sa maraming nang paraan para magamit ang beep card sa pagtugon sa iba’t ibang pangangailangan, nagresulta rin ang programa sa pagmadami ng loading station para beep card na maaring puntahan ng mga costumer.