SAF, idineploy na sa dalawang bayan sa Lanao del Sur na nasa COMELEC control

Ideneploy na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga tauhan mula sa Special Action Force (SAF) sa dalawang bayan sa Lanao del Sur na ngayon ay nasa Commission on Election (COMELEC) control.

Ayon kay PNP Directorate for Operation Director Police Major General Valeriano de Leon, ideneploy nila ang mga ito matapos ang mga natatangap na report kaugnay sa bantang panggugulo ng mga local terrorist sa darating na halalan.

Aniya, patuloy ang ginagawang validation ng PNP sa mga impormasyong natatangap na may kinalaman sa eleksyon, isa na rito ang bantang panggugulo raw ng local terrorist sa Mindanao.


Samantala kinumpirma rin ni Major General De Leon, mayroon na silang natatangap na reports kaugnay sa paghihingi ng permit to campaign at permit to win ng CPP-NOA sa ilang mga kandidato sa Bicol region.

Babala ni De Leon sa mga kandidato, huwag magbibigay ng pera sa New Peoples Army (NPA) para hindi sila makasuhan.

Siniguro ng PNP na hindi nagpapabaya ang kanilang hanay maging sa mga report ng vote buying sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Facebook Comments