Safe ang GCash funds mo, ‘wag maniwala sa fake news

Maraming fake news ang kumakalat kaugnay ng SIM Card Registration.

Isa dito ay mawawala ang inyong pera sa GCash kung hindi kayo magpaparehistro.

HINDI ITO TOTOO. Ito ay fake news na galing sa mga taong gustong guluhin ang adhikain ng gobyerno at ang layunin ng GCash para magbigay ng digital financial services sa mga Pilipino.


Prayoridad ng GCash ang makapaghatid ng maayos na serbisyo sa mga customer nito. Kaya para makaiwas sa fake news siguruhing pumunta lamang sa mga official social media accounts at website ng GCash.

Kung sakaling hindi kayo makapagrehistro, may paraan para ma-access ang inyong funds. Una, pumunta sa official GCash Help Center at kausapin lang si Gigi. Panglawa, gumawa ng bagong GCash account na konektado sa bagong numero at siguraduhin na fully verified ito. Pangatlo, Tiyakin din na rehistrado na ang bagong numero upang masiguro ang proseso ng pag-transfer ng pondo at maayos na pag-access sa bagong GCash account.

Ngayong extended na ang SIM Registration, siguraduhing magparehistro para iwas ang abala sa pag-access sa kanilang mga account.

Mas madali na rin ang pagpaparehistro ng SIM cards ng Globe at TM subscribers dahil pwede na itong gawin sa loob ng GCash app. Para sa mga prepaid users ng Globe Telecom at TM, bisitahin lamang ang opisyal na Globe SIM registration website sa https://new.globe.com.ph/simreg.

Facebook Comments