Salary upgrade sa mga guro, ipinapaprayoridad kay President-elect BBM

Hinikayat ni Assistant Minority Leader France Castro ang Marcos administration na iprayoridad ang salary upgrade ng mga guro sa buong bansa.

Kaugnay na rin ito ng inisyung Executive Order 174 na nilagdaan ni outgoing President Rodrigo Duterte na nagpapalawak sa Career Progression System ng mga public school teachers.

Kasabay ng pagpapalawak sa mga oportunidad para sa career growth ng mga guro, inihihirit din ni Castro na aksyunan na ang matagal nang panawagan ng mga ito na salary upgrade.


Hindi aniya dapat maging substitute o kapalit ng nasabing EO ang hirit ng mga guro na taas sa sahod.

Giit ng kongresista, napag-iiwanan na ng ibang mga propesyon ang mga guro dahil sa pag-angat ng sweldo.

Inihalimbawa ng ACT-Teachers solon ang pagtaas sa salary grade ng mga nurse, pulis at sundalo.

Aniya, malaking kawalang hustisya ito sa mga guro na may katulad at mabigat na kwalipikasyon at may napakaraming trabaho ngunit kakarampot lamang ang sahod.

Facebook Comments