1Sambayan, handa na ang kanilang 24 senatoriables

Nakahanda na ang 24 na pangalang mapapabilang sa senatorial slate ng opposition coalition ng 1Sambayan para sa 2022 elections.

Pero pangamba ni retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, posibleng atakehin ito ng internet trolls ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya posibleng maantala ang kanilang pag-aanunsyo.

“Hindi pa namin sinara iyong nomination period. We extend it because ang daming kandidato ang sabi nila if they announce now, aatakahin sila ng mga trolls ni President Duterte, so they are delaying their announcements so ide-delay namin iyong nomination period,” dagdag ni Carpio.


Ang 24 nominees ay ginawang 14 matapos nilang konsultahin ang kanilang presidential at vice-presidential candidate.

“Many of them are reelectionists but I don’t have the list right now, we have about 24. We will probably reduce that to about 14 because as we said we will consult our presidential candidate before we finalize, so there will be a leeway for the presidential candidate to trim down also,” sabi ni Carpio.

Sinabi ni Carpio, ang presidential at vice presidential candidate ang huling magdedesisyon sa kung sino ang nais nilang isama sa senatorial slate.

Bagamat pinalawig ng 1Sambayan ang nomination period, bukas pa rin silang tumanggap ng mga kandidatong gustong sumali sa kowalisyon.

Sinuman sa kowalisyon ay maaaring mag-nominate ng sinuman bilang pambato sa pangulo at pangalawang pangulo batas mayroong endorso mula sa dalawang convenors.

Pero sinabi ni Carpio na bubusisiin nila ang kwalipikasyon ng mga nominado.

Sa ngayon, magsasagawa lamang muna sila ng townhall meetings sa lahat ng issues.

Facebook Comments