1Sambayan, wala pang napipiling vice-presidential candidate

Wala pang napipiling vice-presidential candidate ang opposition coalition na 1Sambayan.

Ito ay matapos opisyal nang inendorso ng opposition coalition si Vice President Leni Robredo bilang kanilang kandidato para sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Ayon sa grupo, kakausapin muna nila si Robredo tungkol sa pagpuno ng slot ng vice-presidential at senatorial candidate.


Kasabay nito, sinabi naman ni dating Senator Antonio Trillanes IV na sa endorsement ng 1Sambayan ay sana mahikayat si Robredo na magdesisyon na tumakbong pangulo.

Sa kasalukuyan, wala pang ipinapahayag na desisyon si Robredo kung tatakbo siyang pangulo habang posibleng mag-reconvene naman ang 1Sambayan sakaling hindi nito tanggapin ang kanilang nominasyon.

Facebook Comments