Sanhi ng pagkasunog ng bangka sa Cebu, inaalam na ng PCG

Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa nangyaring pagkasunog ng isang bangka sa Naga, Cebu.

Unang nakatanggap ng ulat at rumesponde ang Coast Guard Station Naga hinggil sa nasusunog na bangka na nakita ng ilang residente na malapit sa pampang.

Bukod sa Coast Guard, rumesponde rin ang isang tug boat para maapula ang apoy.


Nasa anim na sakay nito ang nailigtas pero isa ang nagkaroon ng third degree burn.

Anim na sakay nito ang nasawi na narekober ng Coast Guard hindi kalayuan sa insidente.

Hindi pa rin malaman kung ano ang sanhi ng pagkasunog ng bangka na FBCA KING BRYAN kung saan hinihingan na ng salaysay ng mga awtoridad ang mga nakaligtas na sakay nito.

Facebook Comments