Scammer na gumamit ng pangalan ni Mayor Emi Calixto Rubiano, natimbog sa Parañaque City

Patong-patong na kaso ang kahaharapin ng isang suspek na gumamit ng pangalan ni Mayor Emi Calixto Rubiano para manngolekta ng pera sa ilang constructor para sa isa umanong proyekto sa Pasay City General Hospital.

Kinilala ang suspek na si Gerald Red, 49-anyos, residente ng Kawit, Cavite.

Si Gerald Red ay naaresto dahil sa bisa ng limang Warrant of Arrest na inilabas ng Pasay City Prosecutors Office dahil sa kasong Estafa.


Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng Pasay City Police Station, na minamanipula ng suspek ang kontrata kung saan ay pinalalabas na siya ang nakakuha sa renovation project ng Pasay City General Hospital na ginamit nito sa mga kontraktor para makakuha ng malaking halaga.

Galit na Galit na itinuro ni Mayor Emi Calixto Rubiano ang suspek na gumamit ng kanyang pangalan para mangolekta ng pera at sinabi ng alkalde na wala umanong puwang sa lungsod ang mga manloloko at nanglalamang sa kapwa.

Bukod dito, gumawa pa ng account ang suspek na larawan pa umano ng alkalde ang ginamit na profile para mangolekta ng pera sa mga biktima nito.

Ilang mga construction constructor naman ang lumutang sa Pasay City Hall matapos ipresinta ni Pasay City Police Chief PCol. Byron Tabernilla ang suspek kay Mayor Rubiano matapos itong mahuli sa isang follow-up operation sa Brgy. San Dionisio sa Parañaque City.

Facebook Comments