School Year 2020-2021, pormal nang magbubukas ngayong araw

Pormal nang binuksan ng Department of Education (DepEd) ang School Year 2020-2021 ngayong araw, October 5 matapos maipagpaliban ng dalawang beses at maantala ng apat na buwan mula sa orihinal na schedule noong Hunyo.

Nasa higit 24 na milyong estudyante ang magbabalik eskwela sa gitna ng COVID-19 pandemic pero mananatili lamang sila sa kanilang mga bahay bilang bahagi ng pagpatutupad ng distance learning.

Dahil limitado ang face-to-face classes, ang mga estudyante ay tuturuan sa iba’t ibang paraan sa patnubay ng kanilang mga magulang at guro.


Sa ilalim ng distance learning, kukunin ng mga estudyante ang kanilang leksyon gamit ang printed o digitized modules, online o sa pamamagitan ng telebisyon o radyo.

Ang mga ekwelahan ay pinapayagang magpatupad ng blended learning o kombinasyon ng dalawa o higit pang learning modalities.

Ang National School Opening Day Program ay magkakaroon ng sabay-sabay na flag-raising ceremony na pangungunahan ni Education Ceremony Leonor Briones.

Inaasahang magbibigay ng talumpati si Briones at magkakaroon din ng recorded message mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments