
Kinumpirma ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na hindi siya dadalo sa joint session ng Senado at Kamara kung saan maglalahad ng kanyang State of the Nation Address (SONA) si Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay Dela Rosa, wala siyang balak dumalo sa SONA at ayaw niyang makipagplastikan sa ilang mga kongresista at ilang mga taga-Malakanyang na kinasamaan niya ng loob.
Hindi rin aniya maganda na pupunta siyang nakasimangot doon at makikipagplastikan.
Nilinaw naman ni Dela Rosa na hindi naman lahat ng kongresista at mga tao sa Malakanyang ay kanyang nakasamaan ng loob.
Gayunman, ang desisyon niyang hindi pumunta sa SONA ay personal niyang pasya at hindi niya alam kung anong plano ng grupong nilang Duter-Seven Bloc.
Umaasa naman si Dela Rosa na sa nalalabing taon ni PBBM ay mapapaganda naman nito ang buhay ng mga Pilipino.









