Sen. De Lima, hindi pa rin daw dapat magbunyi matapos mapawalang sala sa 1 sa 3 kaso ng iligal na droga

Pinayuhan ni Taguig Pateros Cong. Alan Peter Cayetano si Sen. Leila de Lima na patibayin na lamang ang susunod niyang mga argument para sa dalawa pang natitirang kaso nito sa droga.

Ito’y matapos angkinin ng kampo ng Senadora ang moral victory ng iabswelto siya ng Muntinlupa City Regional Trial Court (RTC) sa kanyang demurrer to evidence.

Sinabi ni Cayetano na dapat umanong patunayan ni De Lima na inosenteng siya sa lahat ng kaso at hindi sa iisang kaso lamang.


Hindi rin umano dapat hingiin ng senadora ang agaran niyang kalayaan lalo pa at nakitaan naman ng sapat na katibayan ang natitirang pa niyang kaso.

Sa bandang huli, dapat umanong manaig pa rin ang hustisya sa magkabilang panig.

Sa Marso 5, itinakda ng Muntinlupa City RTC ang muling pagdinig sa kaso ni De Lima kung saan inatasan siya na maglabas ng mga ebedensya at testigo.

Kahapon, pinawalang sala ng korte ang senadora matapos katigan ang demurrer to evidence nito.

Facebook Comments