Sen. Francis Tolentino, dumating sa INC National Rally pero tumangging mag-speech

Dumating na si Senador Francis “Tol” Tolentino sa ginaganap na National Rally for Peace ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand sa Manila.

Gayunman, tumangging mag-speech si Tolentino dahil dumalo lang daw ang senador sa National Rally upang magpahayag ng kanilang suporta sa panawagang pagkakaisa.

Aniya, mahalaga ang pagkakaisa ngayon sa harap ng mga hamon na kinakaharap ng bansa.


Samantala, dumating din sa Quirino Grandstand si Senador Robin Padilla.

Ayon kay Padilla, sinusuportahan niya ang panawagang pagkakaisa dahil malinaw aniyang pulitika ang motibo ng impeachment cases laban kay Vice President Sara Duterte.

Samantala, kinumpirma ng Office of the Vice President (OVP) na maglalabas ng video statement si VP Sara Duterte kaugnay ng isinasagawang rally ng INC.

Kinumpirma rin ng OVP na dumating na sa bansa si VP Sara matapos ang pakikipagkita nito sa kanyang Filipino supporters sa Japan.

As of 1pm, umaabot na sa 1.5-million na mga kasapi ng INC ang dumating sa Quirino Grandstand para makiisa sa mapayapang rally.

Facebook Comments