Senado, nagbanta na ipaaaresto si Mayor Guo kapag hindi pa rin dumalo sa pagdinig sa July 10

Posibleng ipaaresto ng Senado si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kapag hindi pa rin ito humarap sa kanilang pagdinig sa July 10.

Ito ang naging babala ni Senator Sherwin Gatchalian matapos na hindi dumalo si Guo sa preliminary investigation ng Department of Justice at tanging abogado lang nito ang ipinaharap sa imbestigasyon.

Giit ni Gatchalian, hindi sila papayag na hindi dumalo si Guo at ang abogado lang nito ang pahaharapin dahil mayroong subpoena na ipinadala ang Senado sa alkalde para mapilitan itong humarap sa pagdinig.


Kung magmamatigas ang mayora at hindi haharap sa imbestigayon ay mapipilitan silang ipa-contempt si Guo at maaaring mag-isyu ng warrant of arrest para mabitbit siya sa Senado.

Samantala, naniniwala naman si Gatchalian na walang anxiety si Mayor Guo dahil nagawa nga nitong magsinungaling sa dalawang beses na pagharap nito sa Senado.

Facebook Comments