Senado, tiwalang kayang ipasa sa itinakdang oras ang 2026 national budget

Nanindigan si Senate President Tito Sotto III na kayang-kaya ipasa sa oras ang 2026 national budget at hindi pahihintulutan na magkaroon ng reenacted budget sa susunod na taon.

Kinwestyon ni Sotto kung sino ang nagsabing masikip ang timeline dahil sa kanilang schedule ay kaya nilang aprubahan ito.

Ayon naman kay Senate President pro-tempore Ping Lacson, target nilang aprubahan ang budget sa ikalawang pagbasa ngayong araw at sa Biyernes naman target ipasa ang pambansang pondo sa ikatlo at huling pagbasa.

Gayunman, naniniwala si Lacson na mayroon pa rin aniyang “red flags” sa budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Naniniwala si Lacson na maraming hindi pa nadidiskubre kaya sisilipin niya rin muna kung 100 percent perfectly executed o maayos na naipatupad ang mga proyekto.

Samantala, kanina ay nagpulong naman ang minority bloc ng Senado bago ang pagsisimula ng period of amendments ng 2026 budget.

Facebook Comments